Sabado, Disyembre 31, 2011

Magkabilaan - Joey Ayala

      Magkabilaan ang mundo, ito ang mensahe ng awit ni Joey Ayala. Sa ating pagtahak sa landas ng buhay tayo ay parating may pagpipilian. Mayroong mali at tama, kung ano man ang gusto mong piliin, base sa iyong pananao sa buhay.

       Ang kapaalaran ng tao ay may dalawa ring panig kung minsan ikaw ay nasa ibabaw, kung minsan ay nasa ilalim. May mga taong naghihirap sa buhay kahit sila ay walang tigil sa paggawa. Mayroong taong nagpapasasa sa yamang hindi nila pinaghirapan. Maaring ang isang tao ay paraang hari sa ngayon dahil may mataas na posisyon siya sa lipunan, ang iba ay napaparusahan dahil sila ay walang kapangyarihan. May mga tao naman namamatay sa pagtatanggol sa bayan at dahil dito sila ay nanatiling buhay sa ala-ala ng mamamayan.

       Ang ating lipunan ay may kanya-kanyang panig na pwede mong pagpilian. Kailangang tayo ay mamili kung saan tau papanig. Tayo lamang sa ating sarili ang makapagpapasaya. Ikaw saan ka baa papanig?

Ang Pasko Para Sa Akin

        Ang panahon ng kapaskuhan ay isa sa pinaka gusto kong okasyon. Ang siyam na araw ng simbang-gabi tuwing ika 4 ng umaga ay ginagawa namin bilang paghahanda sa darating na kaarawan ni Hesus, ako at ang aking tatay at nanay ay magkakasama sa pagsisimba.Sa siyam na araw na iyon, marami akong natutuhan tungkol sa buhay ni Hesus. Nagpalaro pa nga si Father, nagtanong tungkol sa mga "gospel" at ang makasagot ay may premyo. At ang premyo ay isang kalendaryo. Nakasagot nga ako kaya nakakuha ako ng kalendaryo.

        Ang araw ng pasko, kaarawan ni Hesus, ay sinimulan namin sa pagsisimba. Nagpunta kami sa aming mga kamag-anak. Nagmano kami sa kanila, at binigyan din kmi ng aginaldo. Nakakahiya na ba? Malaki na kasi ako, hindi naman siguro, wala pa naman akong trababo. Nagkainan kami sa aming Tita Belen at Tita Marie. Ang sarap ng nilagang pasko, ito ay ang pinagsamasamang karne ng baka, manok at baboy at nilahukan ng mga gulay. Madami ding matatamis na pagkain. Nagpigil lamang ako, kasi naisip ko baka tumaba ulit ako.

       Hay! gabi na naman, kainan na ulit. Pagkakainan namin ay nagkantahan kami, nagkwentuhan at tulugan na

Martes, Disyembre 27, 2011

Ang Hindi Ko Makakalimutang Pangyayari Ngayong Pasko

Ang paskong ito ay malungkot at masaya para sa akin at sa aming pamilya. Malungkot sapagkat ito ang unang pasko na wala na pareho ang aking lolo at lola. Masaya din dahil lalo kaming nagkalapit-lapit n magpipinsan. Sa pagkakataong ito ay alam ko na masaya din ang lolo at lola ko sapagkat nakikita nila kaming nagmamahalan. Kaming magpipinsan ay nagkaisa na mangalap ng tulong para sa nasalanta ng bagyong Sendong. Kinantahan namin ang iba naming kamag-anak at nangolekta kami ng pera. Alam namin n hindi naman kalakihan ang aming nakalap, pero ang aming ginawa ay nakatulong sa ating mga kababayang nasalanta. Masaya kami dahil nagenjoy na kami sa pagkanta ay nakatulong pa kami at ito ay ginawa namin para sa kaarawan ni Hesus.