Ang panahon ng kapaskuhan ay isa sa pinaka gusto kong okasyon. Ang
siyam na araw ng simbang-gabi tuwing ika 4 ng umaga ay ginagawa namin
bilang paghahanda sa darating na kaarawan ni Hesus, ako at ang aking
tatay at nanay ay magkakasama sa pagsisimba.Sa siyam na araw na iyon,
marami akong natutuhan tungkol sa buhay ni Hesus. Nagpalaro pa nga si
Father, nagtanong tungkol sa mga "gospel" at ang makasagot ay may
premyo. At ang premyo ay isang kalendaryo. Nakasagot nga ako kaya
nakakuha ako ng kalendaryo.
Ang araw ng pasko, kaarawan ni Hesus, ay sinimulan namin sa
pagsisimba. Nagpunta kami sa aming mga kamag-anak. Nagmano kami sa
kanila, at binigyan din kmi ng aginaldo. Nakakahiya na ba? Malaki na
kasi ako, hindi naman siguro, wala pa naman akong trababo. Nagkainan
kami sa aming Tita Belen at Tita Marie. Ang sarap ng nilagang pasko, ito
ay ang pinagsamasamang karne ng baka, manok at baboy at nilahukan ng
mga gulay. Madami ding matatamis na pagkain. Nagpigil lamang ako, kasi
naisip ko baka tumaba ulit ako.
Hay! gabi na naman, kainan na ulit. Pagkakainan namin ay nagkantahan kami, nagkwentuhan at tulugan na
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento